UMAASA ang Commission on Elections (Comelec) na maipoproklama ang mga nanalo sa eleksiyon sa loob ng 24-oras.
Sa mga lalawigan, tinatayang tatagal ng 72 oras at sa national level – ang mga nanalong senatorial candidate – ay inaasahang maipoproklama sa loob ng isang linggo.
Nasa plano ng Comelec na iproklama nang sabay-sabay ang 12 mananalong kandidato tulad nang ginawa noong 2016.
Uupo bilang national board of canvassers ang Comelec mula alas-3 ng hapon ng Lunes, sa PICC Forum sa Pasay City.
Masusubukan din ang voter registration verification system (VRVS) na inaasahang matatapos sa loob lamang ng limang minuto ang pagboto ng bawat tao.
“We expect that the use of VRVS will not exceed five minutes. This is aside from the expected time for an ordinary voter of about 10 minutes,” dagdag pa ni Jimenez
