TUMANGAY NG GAS STOVE SA CAVITE, NASAKOTE

kulong

CAVITE – Bagsak sa kulungan ang isang hinihinalang akyat-bahay makaraang makilala na siyang tumangay ng isang gas stove sa niloobang canteen sa bayan ng General Mariano Alvarez (GMA) sa lalawigan noong Sabado ng madaling araw.

Hawak na ng GMA Municipal Police Station (GMA) ang suspek na si alyas “Ramir” matapos namukhaan na siya ang nakitang bitbit ang gas stove.

Ayon sa ulat, bandang alas-7:00 ng umaga nang nadiskubre ng may-ari ng canteen sa Brgy. Nicolasa Virata, GMA, Cavite, na nawawala ang gas stove na gagamitin sa pagluluto.

Nagtanong-tanong ito sa labasan kung saan nabanggit ng kanyang bayaw na may nakasalubong siyang isang lalaki na may bitbit na gas stove habang naglalakad sa lugar.

Dahil sa nasabing impormasyon, ipinagbigay-alam ng biktima sa barangay officials sa kanilang lugar ang insidente na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Nabawi naman ang tinangay na gas stove sa San Pedro City, Laguna kung saan doon ibinenta ng suspek.

Batay sa imbestigasyon, pumasok ang suspek sa canteen at kinuha nasabing gas stove na nagkakahalaga ng P22,000. (SIGFRED ADSUARA)

90

Related posts

Leave a Comment