Sa pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ng Bureau of Quarantine BRIAN POE SUPORTADO ANG MGA FRONTLINER

(Evelyn Ruiz, Ronald Christian Antenor — Health Education and Promotions Officer, FPJ Panday Bayanihan Partylist’s First Nominee — Brian Poe, and Director Roberto Salvador Jr.)

MANILA – Ipinahayag ni Brian Poe, unang nominado sa FPJ Panday Bayanihan partylist, ang suporta para sa mga frontliner sa pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ng Bureau of Quarantine (BOQ) noong Martes, Enero 7.

Binanggit ni Poe ang kritikal na papel ng BOQ sa pangangalaga ng pampublikong kalusugan, lalo na sa harap ng umuusbong na nakahahawang sakit gaya ng monkeypox at Human Metapneumovirus.

“Ang BOQ ay isang mahalagang haligi sa sistemang pangkalusugan ng Pilipinas sa kanilang dedikasyon na pigilan, kontrolin, at magbawas ng nakakahawang sakit,” sinabi ni Poe.

“Nakikiisa ang FPJ Panday Bayanihan sa kanilang pananaw na magtayo ng matatag na institusyong pangkalusugan na nagpoprotekta at nag-aangat sa ating mga komunidad mula sa pagkalat ng sakit,” dagdag ni Poe.

Isa ang suporta para sa mga health worker sa mga legislative agenda ng FPJ Panday Bayanihan partylist, sa kanilang pananabik na tugunan ang pangangailangan ng iba’t ibang sektor. Kabilang dito ang mga frontliner, magsasaka at mangingisda, mga manggagawa sa transportasyon, urban poor communities, kabataang lider, at informal sector.

Muling pinagtibay ni Brian Poe ang dedikasyon ng Partylist sa pagtulak para sa karapatan at kapakanan ng mga frontliner, alinsunod sa adbokasiya ni Sen. Grace Poe na nanguna sa special risk allowance para sa mga healthcare worker noong pandemya ng COVID-19.

Nakatuon ang Partylist na ipagpatuloy ang pamana ni Senator Poe sa pamamagitan ng pagsulong ng pinalawak na suporta sa lahat ng frontliner, partikular na yaong mahalaga sa pampublikong kalusugan gaya ng BOQ. Kasama sa mga pangunahing hakbangin ang regularisasyon ng mga barangay health worker, pinalakas na legal na proteksyon para sa mga boluntaryo at tagatugon sa sakuna, at pagpasa ng Magna Carta para sa Disaster Risk Reduction Workers—lahat ay naglalayong isulong ang pag-unlad sa pampublikong kalusugan at tiyakin ang kagalingan ng mga naglilingkod sa frontlines.

“Nakahandang maging katuwang ninyo ang FPJ Panday Bayanihan sa pagsulong ng isang mas ligtas at mas malusog na kapaligiran para sa lahat,” pagtatapos ni Poe.

52

Related posts

Leave a Comment