TAGAPAGHATID NG LIWANAG AT PAG-ASA. Kasama ng One Meralco Foundation ang mga benepisyaryo ng electrification programs nito mula sa iba’t-ibag bahagi ng bansa
Binigyang halaga ng One Meralco Foundation (OMF), ang corporate social responsibility arm ng Manila Electric Company (Meralco) ang mga benepisyaryo at community partner nito matapos ang isang makabuluhang taon na paghahatid ng liwanag sa iba’t ibang lugar sa bansa pamamagitan ng community electrification programs.
Sa isang simpleng programa kung saan kinilala ng OMF ang mga partner nito, ang mga benepisyaryo ng mga programa. Kabilang mga kinatawan ng benepisyaryo ang isang guro mula sa Oriental Mindoro, Palawan, doktor mula sa Lake Sebu at kagawad na namamahala sa water system ng South Cotabato na nagbahagi ng kanilang karanasan kung paano sila natulungan ng programang isinagawa ng OMF para maisaayos at mapaunlad ang kanilang komunidad.
Nagagamit na ng mga guro at estudyante sa Calupisan Elementary School sa Rizal, Palawan ang mga telebisyon at iba pang kagamitan sa klase pagkatapos mapailawan ng OMF ang paaralan bilang bahagi ng school electrification program nito.
Inilahad ni Neljoy Bohol isang guro mula sa Calupisan Elementary School sa Rizal, Palawan kung paano nakatulong ang mga electrification program lalo na para sa kanila na mga katutubong Palaw’an na matamasa ang mas maganda at maliwanag na kinabukasan.
Nagbigay ang organisasyon ng solar photovoltaic (PV) system sa paaralan upang magamit ng mga estudyante ang mga mga telebisyon at laptop para mas marami pa silang matutunan at maiangat pa ang kalidad ng edukasyon sa mga paaralan.
“Mayroon pang pag-asa. Lagi kong sinasabi sa aking mga estudyante na mayroong maliwanag na kinabukasan ang naghihintay para sa kanila; kaya nagpapasalamat ako sa pagbibigay niyo ng liwanag dito sa amin na nagbibigay sa amin ng pag-asa,” ayon kay Neljoy.
Malinis na suplay ng tubig
Makikita sa larawan si Meralco Chief Operating Officer Ronnie L. Aperocho (gitna) kasama ang mga benepisyaryo ng water access electification program sa Barangay Guinsang-an sa Sto. Nino, South Cotabato.
Sa Barangay Guinsang-an sa Sto. Nino, South Cotabato, nahihirapan ang mga magsasaka na magbayad ng kuryente upang mapaandar ang kanilang water system na pangunahing pinagkukunan nito ng tubig. Dahil dito, napipilitan ang barangay na gamitin ang pondo na nakalaan para sa pagpapabuti ng mga serbisyong panlipunan para lamang mabayaran ang bill ng kuryente. Ngunit nang ikinabit ng OMF ang solar PV system, nabawasan na ang gastos sa tubig dahil dito. Nagagamit din ang natipid na pondo sa pagkakaroon ng sapat na supply ng tubig pati na rin sa karatig lugar.
“Ilalaan na lang namin ng mga natipid na pondo sa iba pang proyekto ng komunidad. Sisikapin namin na matulungan din ang ibang purok na magkaroon sila ng sariling pasilidad na makapagbibigay nang malinis na suplay ng tubig” ani Barangay Guinsang-An Kagawad Cris Valencia.
Serbisyong pangkalusugan sa komunidad
Sa kabundukan ng Sitio Kolonbong sa Barangay Lamfugon South Cotabato, nais din ng mga katutubong residente tulad ng mga T’boli, Manobo at tribong Balaan na magkaroon nang maaayos na health center, kaya pinailanawan ng OMF ang health center nito gamit muli ang solar PV system. Napaandar na ang mga ang mga nebulizer at iba pang kagamitan na lubhang mahalaga para sa komunidad.
Mayroon na ring maayos na bentilasyon ang mga pasyenteng may asthma, dahil dito nagkaroon na ng proper storage ang mga bakuna na tumitiyak na hindi nabawasan ang bisa nito kaya naman mas maraming residente lalo na ang mga kabataan at buntis ang nabakunahan.
Itinatag ang kanilang health center noong October 2023, subalit wala itong kuryente at sapat na kagamitan upang mabigyan nang maayos na serbisyong pangkalusugan ang mga residente.
Tanglaw ng pag-asa
Pinangunahan ni First Lady Louise Araneta Marcos, Meralco and One Meralco Chairman Manuel V. Pangilinan, Meralco Chief Operating Officer Ronnie L. Aperocho, Meralco Chief Revenue Officer Ferdinand O. Geluz, OMF President Tarayao at Meralco Head at Customer Retail Services Charina P. Padua ang pagdiriwang ng Maliwanag ang Pasko 2024 program nung Disyembre kung saan kinilala walong customers o tinatawag nilang “light bearers” na kumakatawan sa iba’t ibang segments at at sa walong milyong customers na sineserbisyuhan nito.
Kinilala ni Pangilinan ang mga customer nito na maituturing na mga natatanginging Pilipino na sa kanilang simpleng pamamaraan ay nakapagbibigay rin ng pag-asa sa kani-kanilang komunidad. “Pinapatunayan ninyo na may liwanag ang bukas,” aniya.
Makikita sa larawan si Meralco at One Meralco Foundation Chairman Manuel V. Pangilinan (pang-apat mula sa kanan) kasama ang mga benepisyaryo ng OMF na nagmula sa Palawan, Oriental Mindoro, at South Cotabato.
Nagpasalamat naman si OMF President Jeffrey O. Tarayao sa mga tumutulong sa kanilang programa, binigyang halaga rin niya ang pagtutulungan ng lahat upang magdulot ng makabuluhang pagbabago sa buhay ng bawat Pilipino.
Pinuri ng First Lady sa isang social media post ang mga inisyatiba ng Meralco at sinabing hindi lamang ang Liwanag Park ang nagbigay liwanag sa lahat, kundi pati na rin ang iba’t ibang program nito na nakapagbago ng mga buhay dahil sa paghahatid ng serbisyo ng kuryente sa mga liblib na paaralan, bukid at health center na sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Isa lamang ito sa maraming kwento at pangarap na naisakatuparan ng Meralco sa pamamagitan ng OMF. Sa sama-samang pagtutulungan na makapaghatid ng liwanag at pag-asa, mas marami pang Pilipino ang makararanas ng mas maginhawang at maliwanag na kinabukasan na nararapat lamang para sa kanila.
