OPORTUNIDAD SA PANAHON NG KRISIS

At Your Service Ni Ka Francis

ANG oportunidad ay walang pinipili, maging maganda man o nakararanas ng krisis ang ating bansa.

Napatunayan ito noong nakaraang mga taon sa kainitan ng pananalasa ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Sa panahong ito nagsimulang napilitang gumamit ang mga tao ng proseso sa pamamagitan ng online.

Hindi kasi makalabas ang mamamayan dahil ipinagbawal ang paggala ng mga tao para maiwasan ang mabilis na hawaan sa virus ng COVID-19.

Mahigpit na ipinatupad ng mga awtoridad ang health protocols na hindi maaaring lumabas ng kanilang bahay ang mga tao, maliban sa medical workers, mga awtoridad at media.

Sa mga panahon na ito, ang nakararaming mga tao sa buong mundo ay nasa bahay lamang at walang ginawa kundi ang pagka-abalahan ang paggamit ng cellphones at iba pang gadgets.

Kung ‘di cellphones at gadgets ang pinagkakaabalahan ng mga tao, nanonood sila sa kanilang telebisyon.

Dahil sa rami ng mga gumagamit ng cellphones at gadgets noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic ay umusbong ang mga negosyo sa online.

Dahil mahigpit nga ang mga awtoridad sa pagpapalabas sa mga tao, dito na nagsimulang umusbong ang online business na free delivery.

Nagbukas ito ng oportunidad para sa negosyong online tulad ng pangunahing pangangailangan ng mga tao sa pagkain, gamot at iba pa.

Kasabay nito, ang pagbukas ng maraming trabaho para sa motorcycle riders at iba pang delivery jobs para sa mga Pilipino.

Sa pagkakataong ito ay dumami ang yumaman na nakasabay sa pagbabago ng panahon, ika nga, nag-level up sila sa pamamagitan ng paggamit ng online processes.

Dahil din sa COVID-19 pandemic, ang mga tao ay nasa kanilang mga tahanan lamang, at nagsimula na ring dumami ang vloggers at onliners na ngayon ay nagkakamal na ng milyon-milyong pisong kita.

Ang COVID-19 pandemic din ang dahilan kung bakit kailangang magkaroon ng online classes sa mga paaralan at maging sa trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno at pribado.

Bagama’t may negatibong dulot dahil marami sa mga tao sa buong mundo ay namatay dahil sa COVID-19 pandemic, ay nagbukas naman ito ng bagong oportunidad sa atin.

Kinakailangan lang natin maging matalino sa pag-iisip kung ano dapat natin gawin para tayo ay kumita na nauugnay sa pangangailangan ng mga tao sa panahon ng krisis.

Sa panahon ng krisis, mas marami ang kailangan ng mga tao, tulad ng naganap na COVID-19 pandemic na nangailangan ng face shield, face mask, gamot at iba pa.

Kung kaya’t sa panahon na ito ay nagbukas ang maraming oportunidad partikular sa negosyo na nauugnay sa pangangailangan ng mga tao.

Sa mga negosyante, may krisis man o wala ay nagkaroon sila ng pagkakataon na lumahok sa papatok na mga negosyo.

Kaya kahit saan mo itapon ang tao na madiskarte ay makapag-iisip ito kung paano siyang mabubuhay at magkakaroon ng pagkakakitaan.

Kaya kahit may krisis o normal ang panahon, ay mayroong oportunidad para kumita basta’t naaayon lamang sa legal na pamamaraan.

Tuloy lang ang buhay, may krisis man o wala, ‘wag lang natin kalimutan ang pagdarasal sa ating Amang nasa langit.

oOo

Congratulations pala sa pamunuan ng FC Scrap Trading sa bagong bukas na ‘Bodega Sale at Bagsak Presyo’ nitong items na magkakaroon ng soft opening sa umaga ng Sabado, Pebrero 8, 2025 sa F. Dulalia St., Lawang Bato, Valenzuela City.

Ito ay maituturing na isa namang pagpapala mula sa Amang nasa langit para sa FC Scrap Trading Management.

oOo

Para sa inyong katanungan, maaari po kayong tumawag o mag-text sa cell# 0917-861-0106.

9

Related posts

Leave a Comment