(NI BETH JULIAN)
ASAHAN na.
Ito ang tugon ng Malacanang sa alegasyon nina Bayan Secretary-General Renato Reyes at Neri
Colmenares na may nangyaring massive cheating o talamak na dayaan sa katatapos lamang na 2019 national elections.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, pagkatapos ang pagkatalo ng ilang anti-Duterte candidates nitong nagdaang halalan gaya nina Reyes at Colmenares na agad na kinuwestyon ng mga ito ang Duterte magic na nagpabagsak sa maraming left-leaning party-list groups at kanilang mga kandidato sa pagka-senador.
Iginiit ni Panelo na ang pagkatalo ng mga ito ay nagpapakita ng indikasyon na hindi na pinaniniwalaan ng taumbayan ang kanilang mga adbokasiya laban sa war on drugs, extra-judicial killings, South China Sea, one-man rule, at iba pa na pilit na ipinapasok sa isipan ng taunbayan.Filipino.
Bunsod nito, sinabi ni Panelo na dapat nang magsilbing wake-up call ang pagtanggi na ng mga Filipino sa mga ipinaglalaban ng mga ito para sa kanilang mga pagkilos at aksyon.
“Unfortunately, Mr. Reyes, instead of throwing in the towel and yield to the resounding voice of the electorate, opts to throw his false and malicious narratives at the Duterte administration. Lahat naman ng mga sinabi niya ay wala man lang kaakibat na ebidensiya at salat sa katotohanan,” wika pa ni Panelo.
“Isa pa, half ng komisyoner ng Commission on Elections ay appointees ni dating president Noynoy Aquino. In fact, supporters of the administration candidates remain vigilant to protect their votes from being altered. Kailaman ay hindi makikiaalam ang Pangulong Duterte sa eleksyon,” dagdag pa ng kalihim.
Pahayag pa ni Panelo na ang tinutukoy na “Duterte Magic”, ay nangangahulugan ng total package ng ‘sterling performance at good governance’ na ibinigay ni Pangulong Duterte sa mga Filipino.
Dito, ayon kay Panelo, umaasa ang Malacanang na mapagkumbabang tatanggapin ni Reyes ang kanyang pagkatalo.
Itinuturing ding maling strategy ng mga ito ang pag-atake sa mga non-candidate President na nananatiling popular sa mga tao at nakapagtala ng 81% public satisfaction rating pabor sa administrasyon sa kasagsagan ng kampanya.
“It triggered a backlash against the opposition candidates. They should have presented an alternative platform of governance and discussed how their brand of politics would be much better than the kind that the administration candidates would provid,” wika pa ng tagapagsalita.
“The sovereign voice has spoken. We urge the opposition, the critics and the detractors to bow to the majesty of the rule of the majority, lest we are swept away by the rampaging tidal waves of change,” panawagan ni Panelo sa mga oposisyon.
