SOCIAL MEDIA KINAPOS

FOR THE FLAG

Magandang eksperimento ang nakaraang halalan. Nalaman natin na hindi sapat ang social media lamang upang maipanalo ang isang kandidato.

Ang mga Facebook political celebrity na sina Atty. Larry Gadon, Doc Willie Ong at Atty. Glenn Chong ay hindi nakuhang umabot sa magic 12 kahit pa nga milyun-mil­yon ang kanilang fans at followers sa social media.

Makikita sa resulta na nanatiling malaking bagay pa rin ang political advertisement sa traditional media, lalo na sa telebisyon at radyo.

Kumpara sa social media lubhang mahal naman talaga ang advertisement sa traditional media, bagay na maaaring naging dahilan ng ating tatlong media celebrity na iasa sa Facebook ang ina­asam na tagumpay sa Facebook.

Hindi natin tinatawaran ang impluwensya ng social media sa mga botante, malinaw ang kapangyarihan ng Facebook dahilan upang makakuha ng disenteng ranking ang ating tatlong bidang sina Gadon, Chong at Ong.

Sa inisyal na resulta ng Comelec, si Ong ay nasa ika-18 sa ranking. Aba mataas ‘yun, ibig sabihin mataas ang fighting chance nito, at marami sa mga senatoriable na suportado ng kani-kanilang partido at pawang may mga TV ad ay kanyang nilampaso.

Ganun din si Gadon na pang-27 naman, at Chong na pang-30 sa 62 bilang ng mga opisyal na mga kandidatong pagka-senador.

Kung may panggastos lamang ang tatlo para sa political ads sa mainstream media, malamang nakapasok ang mga ito sa top 15 sa nakaraang eleksyon.

Inaasahan natin ang tatlong celebrity ng mga netizen na sumabak muli sa 2022, lalo’t nakita nilang tunay ang suporta ng taumbayan sa kanila. (For the Flag / ED CORDEVILLA)

296

Related posts

Leave a Comment