MAS MARAMING TRABAHO SA PASIG CITY, TINIYAK NI DISCAYA

SINIGURO ni Pasig City mayoralty candidate Sara Discaya ang palikha ng mas maraming job opportunities para sa mga residente ng lungsod at pagkakaroon ng good governance sakaling mahalal bilang alkalde.

Ayon kay Discaya, bahagi ng kanyang priority programs ang job and livelihood generation, libreng pagpapagamot sa mga lehitimong taga-lungsod at libreng aral mula kinder hanggang kolehiyo.

Siniguro rin niya ang pagkakaroon ng inclusive environment at ang mga serbisyo ay pantay na matatanggap ng mga residente.

“Pasig is divided by two communities, the poor and the affluent and I will fix this gap regardless of residents’ economic status or geographic location,” ani Discaya.

Sinabi ng mayoralty candidate na makapagbibigay ng mas maraming oportunidad sa trabaho sa pamamagitan ng livelihood projects, pagtatayo ng mas maraming negosyo at pag-invest sa roads at transport infrastructure.

Nangako rin si Discaya na ibabalik sa dati ang Pasig City. Target ni Discaya na magkaroon ng kasunduan sa Department of Labor and Employment (DOLE) para maglagay ng training centers sa lungsod na magbibigay ng dagdag na kaalaman sa mga residente para mas mabigyan sila ng tsansa na matanggap sa trabaho.

“We will build new classrooms, offer more college courses, get more professors and educational equipment so that we can increase the number of students at the city college,” dagdag ni Discaya.Ayon kay Discaya, kailangang ayusin muli ang pagbibigay ng basic services sa publiko lalo na sa mahihirap.

Sa isang survey na idinaos kamakailan, lumitaw na maraming taga-Pasig ang hindi na interasadong maghalal ng celebrities sa gobyerno at sa halip ay mas nais nila ang pagkakaroon ng good governance.

23

Related posts

Leave a Comment