Sa paggunita ng Semana Santa 40K PULIS IKAKALAT NATIONWIDE

INIHAYAG ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Brigadier General Jean Fajardo na nakataas sa ‘heightened alert’ ang buong puwersa ng pulisya sa paggunita ng Semana Santa kasabay na rin ng pagbibigay ng seguridad sa panahon ng pangangampanya ng mga kandidato sa nalalapit na halalan.

Kaugnay nito, ay magpapakalat ng aabot sa 40,151 pulis ang pambansang pulisya sa buong bansa para sa pagsisimula ng summer vacation at paggunita ng Mahal na Araw.

Ito ay bilang bahagi ng kautusan ni PNP chief Lieutenant General Rommel Francisco Marbil na magpakalat ng sapat na bilang ng mga pulis upang tiyakin ang seguridad at kaayusan sa mga nasabing aktibidad.

Ipinag-utos din ni Marbil ang extension ng karaniwang 12-oras ng shifting ng mga pulis kung kinakailangan upang matiyak na mapapangalagaan ang kapakanan ng publiko.

(TOTO NABAJA)

23

Related posts

Leave a Comment