FIL-CHI BUSINESSMEN PINULONG NI PNP CHIEF MARBIL

UPANG mapawi ang takot, nakipagpulong si PNP chief General Rommel Francisco Marbil sa grupo ng Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FCCCII), Biyernes ng umaga sa Camp Crame.

Tiniyak ni Marbil na nananatiling kontrolado ng pambansang pulisya ang sitwasyon ng siguridad sa bansa sa kabila ng sunod-sunod na insidente ng kidnapping.

Dumalo rin sa pagpupulong ang matataas na opisyal ng PNP. Kabilang sa kanilang tinalakay ay ang tugunan ang lumalalang agam-agam ng Filipino-Chinese community para sa kanilang kaligtasan at seguridad.

Matatandaan na isang14-anyos na Tsinoy ang pinutulan pa ng daliri ng mga kidnapper at kamakailan ay pinaslang ang negosyanteng Tsinoy na si Anson Que at drayber nito.

Dahil dito ay nagkasundo ang PNP at FCCCII na magtatag ng collaborative program na tututok sa pagpapatupad ng pro-active measures sa pag-detect ng anomang potential threats, kabilang na ang pagpapaigting pa ng koordinasyon sa mga local police unit, pagpapalakas ng surveillance efforts at iba pa.

Kaugnay nito ay sinabi rin ng PNP na bukas ito sa mga impormasyon ng Filipino-Chinese community na maaaring makatulong sa kanilang ginagawang imbestigasyon at operasyon laban sa grupo o sindikato na posibleng nasa likod ng naturang krimen.

(TOTO NABAJA)

42

Related posts

Leave a Comment