UMENTO SA SAHOD AT DAGDAG BENEPISYO SA MGA GURO, MULING IGINIIT NI GATCHALIAN

MULING tiniyak ni Senate Committee on Basic Education chairman Sherwin Gatchalian ang kanyang suporta sa panawagan para sa umento sa sahod at dagdag na benepisyo para sa mga guro.

Ayon kay Gatchalian, ang pagtaas ng sahod at benepisyo ng mga guro ay hindi lamang simpleng pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa lipunan, kundi isang konkretong hakbang upang matiyak ang marangal na pamumuhay para sa kanila.

Kasabay nito, ipinangako ng senador na ipagpapatuloy ang pagsusulong ng mga pag-amyenda sa Magna Carta for Public School Teachers upang mas mapalakas ang proteksyon sa mga karapatan at kapakanan ng mga guro.

Bukod dito, patuloy rin niyang itataguyod ang pagbuo ng Career Progression System para sa mga guro sa pampublikong paaralan, na layuning bigyan sila ng malinaw na landas sa propesyonal na pag-unlad at promosyon.

Una rito, nanawagan si Education Secretary Sonny Angara na suportahan ang kanilang hinihinging dagdag sahod para sa mga pampublikong guro upang tumbasan ang kanilang mga sakripisyo.

(Dang Samson-Garcia)

13

Related posts

Leave a Comment