PNP AT AFP NANATILING APOLITICAL SA ELEKSYON

ITINUTURING na generally peaceful ng Philippine National Police (PNP ) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang araw ng eleksyon nitong Lunes, Mayo 12.

Sinabi ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil, na walang naitalang insidente ng partisanship o political bias sa hanay ng kapulisan.

Aniya, tumalima ang Pambansang Pulisya sa utos na manatiling apolitical mula araw ng kampanya hanggang sa mismong araw ng eleksyon.

Ibinida rin ni Armed Forces of the Philippines chief of staff General Romeo Brawner Jr. na walang naitala sa kanilang hanay.

Nagawa ng mga sundalo at kapulisan ang mandato nitong maging neutral at walang kampihang mga kandidato na may paninindigan na maglingkod nang tapat at walang kinikilingan.

(TOTO NABAJA)

54

Related posts

Leave a Comment