(NI NOEL ABUEL)
BILANG na ang araw ng mga employers na nagpapatupad ng kontraktuwalisasyon sa mga manggagawa nito matapos ipasa sa huli at ikatlong pagbasa ng Senado ang panukalang pagbasura sa endo.
Nagkaisa ang mga miyembro ng Senate Committee on Labor, Employment, and Human Resource Development na ihabol na maipasa ang Senate Bill No. 1826, na mas kilalang Endo bill na naglalayong ipagbawal ang labor-only contracting.
“We longed for this day to come, especially our workers who have suffered because of the evils of endo, a practice which corrupts the dignity of labor,” sabi ni Senador Joel Villanueva, principal author at pangunahing may-akda ng SB 1826.
Sa ilalim ng nasabing panukala, papayagan lamang ang Labor-Only Contracting kung ang job contractor ay nagsu-supply, nagre-recruit, at nagpapadala ng manggagawa sa contractee.
“The provision trims down the employment arrangements and addresses the current practice of misclassifying employees to prevent them from obtaining regular status,” sabi ni Villanueva.
152