(NI BETH JULIAN)
PINIRMAHAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang implementasyon ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Ang paglagda ng Pangulo ay nagpapatibay nag awing permanente ang 4Ps na programa kung saan direktang nagbibigay ang gobyerno ng cash grants sa mga piling mahihirap na pamilya na naglalayong tulungan ang mga ito sa larangan ng nutrisyon, kalusugan at edukasyon.
Si dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang nagsimula ng programa at ipinagpatuloy lang ni dating pangulong Benigno Aquino III.
Base sa RA 11310, sinabing maaring umabot sa pitong taon ang pagbibigay ng cash grants, ngunit maaaring humaba pa ito base sa rekomendasyon ng National Advisory Council.
Gagamit din ang DSWD ng standardized targeting system na tutukoy sa mga benipesaryo ng programa na irere-validate kada tatlong taon kung saan makatatanggap ang kada pamilya ng conditional cash grants na P300 hanggang P700 depende sa antas pag-aaral ng mga bata at health grant na P750 kada buwan.
Kabilang na ang pagtitiyak na mabibigyan ng health services ang mga buntis at mga bata at nakapapasok sa paaralan ang mga anak at sasakupin ng National Health Insurance Program ang lahat ng benepisaryo.
193