TENSYON SA SP SESSION

MAINIT agad ang pagbubukas ng unang sesyon ng Sangguniang Panlalawigan nang tila ipakita ni Vice Governor Dodo Mandanas ang kanyang “iron fist” leadership. Sa halip na payagan ang agarang pagtalakay ng bagong Internal Rules of Procedure (IRP) na inihain ni 6th District Board Member Bibong Mendoza, ipinagpilitan ni Mandanas na ipadaan muna ito sa Committee on Ethics, Accountability and Good Government.

Hindi ito pinalampas nina 5th District BM Dr. Jun Berberabe at iba pang bokal na galit na naggiit: “Hindi pwedeng basta-basta i-deny ng presiding officer ang motion. Hindi ito monarchy!”
Isa pang miyembro ang nangamba kung paano magpapatuloy ang mga komite nang walang aprubadong IRP: “How can we conduct a committee hearing without a formal IRP?” tanong niya.

Nag-alok naman si BM Fred Corona ng compromise: “Adopt muna natin ang existing IRP with amendments para tuloy ang trabaho.” Pero mukhang bingi si Mandanas sa panawagan ng kapwa opisyal.

Sa gitna ng mainit na usapan, umugong na tila minamaniobra ni Vice Gov ang proseso para manatiling hawak niya ang kapangyarihan sa Sanggunian. Hindi tuloy naiwasang bansagan siyang “Diktador ng Batangas” ng mga kritiko. (EG)

35

Related posts

Leave a Comment