FL LIZA IDINEPENSA NI GADON

“WHERE’S the logic?”

Ang tanong na ibinato ni Presidential Adviser Poverty Alleviation (PAPA) Secretary Larry Gadon nitong Martes sa mga isyu at alegasyong may kinalaman si First Lady Liza Araneta-Marcos sa pagkamatay ni Paolo “Paowee” Tantoco, ang Rustan Commercial Corporation (RCC) executive noon pang Marso dahil umano sa overdose sa paggamit ng cocaine sa Los Angeles, California.

Sa isang video statement na ibinahagi ni Gadon, sinabi nitong “no logic” ang atasan ang Malacañang na maglabas ng ‘comprehensive report’ sa pagkamatay ni Mr. Tantoco, kabilang ang kaugnayan — direct o’ indirect ng First Lady.

“Hindi security guard, hindi yaya si FL Liza , hindi nya kailangan bantayan lahat ng tao sa paligid nya. No logic why Malacañang should submit a report on the incident about the death of Mr. Tantoco .. its the job of the police of Los Angeles USA,” paliwanag ni Gadon.

Nitong nagdaang Lunes, mismong si Senator Imee Marcos ang nanawagan sa Malacañang na klaruhin ang kaugnayan ng Unang Ginang sa pangyayari, at sa kanyang matalas na pananalita sinabi ng senadora na “nakakabahala ang mga naglalabasang report na may kinalaman si First Lady Liza Araneta-Marcos sa pagkamatay ni Tantoco, noong March 8”.

Tugon naman dito ni Gadon: “Walang kailangang gawing paliwanag ang Malacanang sa insidente o pagkamatay ni Mr. Tantoco. Ano naman ang kinalaman ng First Lady diyan? Masyado namang mapang-asar yan ginagawa nila, na kailangan ipaliwanag ng Malacañang, kailangan mag-submit ng report. Eh paanong magsa-submit ng report, nangyari yun sa Los Angeles. Walang kinalaman doon si First Lady Liza Araneta-Marcos. Napakalayo ng inyong iniisip.”

Dagdag pa ng kalihim na ang dapat imbestigahan ay ang kaugnayan ng Duterte Administration sa mga namatay at nawawalang mga sabungero.

“Ang dapat imbestigahan ay ang Duterte Administration. Kasi ang dami-daming namatay na mga sabungero na nangyari yun noong panahon nila. More than 30 ang namatay na mga sabungero at walang nangyaring imbestigasyon kahit isa. Dapat nga ganoong klase ang dapat na imbestigahan. Hindi yang kung anu-anong tungkol kay First Lady Liza na totally walang logic,” patutsada pa ng kalihim.

(JOEL O. AMONGO)

72

Related posts

Leave a Comment