CHINA UMAPELA SA PHILIPPINE ENVOY SA ‘NEGATIVE MOVES’ NG PHL

UMAPELA ang China sa Philippine Embassy sa nasabing host country hinggil sa umano’y “negative moves” ng Pilipinas na nakaaapekto sa kanilang relasyon.

Nabatid na naghain ng “stern representations” ang China sa Pilipinas bilang protesta nito sa umano’y latest negative moves na may kaugnayan sa Taiwan, maging ang iba pang maritime at security issues.

Inihayag ni Department of Asian Affairs Director-General Liu Jinsong ang “stern representations” at “strong dissatisfaction”, kay Philippine Ambassador to China Jaime FlorCruz nitong nakalipas na linggo.

Wala pang tugon ang Philippine Embassy sa Beijing kaugnay nito.

Hindi pa rin nagbibigay ng pahayag ang Department of Foreign Affairs patungkol dito.

Nitong Biyernes ay nagpalabas naman ng overseas study alert ang kanilang China Ministry of Education na nagpapayo sa Chinese students na masusing pag-aralan ang security risks ng pag-aaral sa Pilipinas at itaas ang antas ng kahandaan at pag-iingat.

Ayon sa kanilang Ministry of Education, “The Philippines’ recent deteriorating public security situation and increasing criminal activities against Chinese citizens as the reason for the alert.”

Nabatid na ito ang ikalawang pagpapalabas ng nasabing alerto ng China ngayong taong 2025, kasunod ng inisyung student alert nitong buwan ng Abril na binalaan ang kanilang mga mag-aaral hinggil sa peligro ng pag-aaral sa ilang lugar sa United States.

“Recently, public security in the Philippines has been unstable, with frequent crimes targeting Chinese citizens. The Ministry of Education reminds all students studying abroad to conduct a thorough safety risk assessment and strengthen their awareness of personal protection when considering studying in the Philippines during this period.” ayon sa inilabas na security alert.

Tugon ng Department of Foreign Affair ng Pilipinas, inaccurate ang nasabing abiso ng China sa kanilang mga mag-aaral. Ayon sa DFA, “The ministry mischaracterizes the situation in the Philippines.”

“All instances of crimes, including those involving Chinese and other foreign nationals as well as those perpetrated by foreign nationals against their own, are being addressed by relevant law enforcement authorities,” ayon sa DFA, at dagdag pa nito, “The Philippine Government has been engaging with foreign embassies, including the Chinese Embassy, regarding these cases in good faith.”

(JESSE RUIZ)

38

Related posts

Leave a Comment