KASO NG LEPTOSPIROSIS SA QC LUMOBO

MARIING inihayag ng Quezon City government na tumaas ang mga kaso ng leptospirosis ngayon taon at umabot na sa 428 sa lungsod matapos ang nagdaang bagyo at habagat nitong nakalipas na buwan.

Sinabi ni Brian Miige ng QC Epidemiology and Surveillance Department, sa kaso ng 428 na tinamaan ng leptospirosis, 35 sa mga ito ang nasawi dahil sa naturang sakit.

Sa ginanap na QC Journalist Forum nitong Martes, Agosto 12, 2025, sinabi ni Miige, bukod sa kaso ng leptospirosis ay tumaas din ang mga kaso ng dengue sa lungsod.

“Tumaas ang mga kaso ng leptospirosis (QC) dahil sa mga nakalipas na baha,” ayon pa kay Miige.

Nabatid pa kay Miige, ang 28 percent ng mga tinamaan ng leptospirosis sa Quezon City, ay mula sa buwan ng Enero hanggang Hulyo ngayon taon.

Ayon pa kay Miige, lumobo rin ang kaso ng dengue bunsod ng mga pag-ulan at pagbaha nitong nakalipas na buwan.

“Bukod sa leptospirosis, tumaas din ang mga kaso ng dengue sa lungsod” sabi pa ni Miige.

Ayon sa imbestigasyon, nasa 17 o 77 percent ng mga residente ang na-expose sa baha dahilan ng pagkakaroon ng sakit na leptospirosis at dengue.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Ms. Peachy De Leon, spokesperson ng DRRMO ng Quezon City, isa sa naging dahilan ng pagbaha nitong nakalipas na bagyo at pag-ulan ay dahil sa mga basura na bumara sa ating mga drainage system lalo na sa Metro Manila.

Sinabi pa ni De Leon, hindi na rin sa akma ang mga drainage system sa kasalukuyan na naka-design pa 20 years to 30 years ago kaya hindi makayanan ang volume ng tubig sa tuwing bumubuhos ang ulan.

(PAOLO SANTOS)

82

Related posts

Leave a Comment