PATROL VESSEL NG PHL MANANATILI SA WEST PHILIPPINE SEA

“WE will never leave this area. We’re still going to continue our patrol and support the livelihood of ordinary Filipino fishermen in the West Philippine Sea.”

Ito ang matapang na sagot ni Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard, matapos ang panibagong paggamit ng water cannon ng China Coast Guard sa mga barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na nagsasagawa ng maritime patrol malapit sa Bajo de Masinloc, Lunes ng umaga.

Una rito, inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na tuloy-tuloy ang presensiya ng mga patrol vessel sa area para ipagtanggol at igiit ang sovereign rights sa mga teritoryong bahagi ng Pilipinas.

Nitong Lunes sa pinakahuling komprontasyon ng PCG, tinangka na namang bombahin ng water cannon ng China Coast Guard ang BRP Suluan subalit nagawa itong maiwasan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard.

Ayon sa ulat, tumagal ng 40 minuto ang pagbuntot at pagbomba ng water cannon ng China sa BRP Datu Sumkad.

Binugahan din ng tubig ang BRP Datu Bangkaya ng barko ng CCG na may bow number 3306.

Bumangga naman ang isang Chinese Navy vessel sa isang Chinese Coast Guard vessel habang hinahabol ang patrol boat ng Pilipinas sa Bajo de Masinloc.

Malaki ang naging sıra sa forecastle ng barko ng CCG, kung kaya’t hindi na ito magagamit sa dagat.

Sinasabing isang China Coast Guard at walong militia ships ang nagsasagawa ng Search and Rescue operation, 15-25 nautical miles east of Bajo de Masinloc, simula nitong Lunes ng umaga nang bumangga sila sa kanilang PLA destroyer.

“The damaged vessel, CCG 3104, has been AIS-‘dark’ since before the incident.”

Wala pang kumpirmasyon, subalit may ulat na may dalawang patay sa CCG habang nagpapatuloy ang kanilang ginagawang search and rescue mission sa area.

Ayon kay Tarriela, hiwalay na insidente ang pambobomba ng water cannon at ang sea collision sa Bajo de Masinloc.

Samantala, tinuligsa kahapon ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief, General Romeo Brawner Jr. ang China sa pagpapadala nito ng warship sa Scarborough Shoal, na tahasang paglabag sa kasunduang nabuo matapos ang standoff sa area noong 2012.

“Because ‘yung nangyaring yun, noong 2012, tayo ay sumunod doon sa usapan natin na aalis tayong pareho. ‘Di ba nagkaroon po ng standoff noong 2012 kung maalala ninyo. At ang ang usapan is that aalis ang parehong Navy, Philippine Navy at ang Chinese Navy. Tayo umalis tayo, sumunod tayo sa usapan ano. Sila hindi sila sumunod. So, it’s really a violation of the agreement that we had in 2012. Tayo, we keep the moral high ground. ‘Yan po ang utos ng ating Pangulo. We keep the moral high ground and we do not do aggressive tactics ano. So hinahayaan natin ‘yung China, pwede tayong magprotesta, pero sa ngayon na nandun na

‘yung Navy nila ano, so ibang usapan na ‘yun. So pag-uusapan po natin, namin ‘yung ating pwedeng gawing mga hakbangin at ‘yung mga future na mga tactics natin upang kontrahin ‘yung ginagawa ng China na ayaw tayong palapitin doon sa Bajo de Masinloc,” pahayag ni Brawner.

(JESSE RUIZ)

126

Related posts

Leave a Comment