VP SARA WALANG ‘K’ MANLAIT SA KALIDAD NG EDUKASYON – SOLON

MAKAPAL ang apog. Mistulang ganito ang pagtingin ni ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio kay Vice President Sara Duterte nang ikumpara nito ang kalagayan ng edukasyon sa Pilipinas sa ibang bansa dahil siya umano ang pinakamalalang secretary ng Department of Education (DepEd).

“This coming from the worst DepEd secretary ever?! Walang karapatan magreklamo ang taong hindi nagtrabaho,” ani Tinio matapos sabihin ni Duterte na malayong-malayo ang Pilipinas sa ibang bansa pagdating sa kalidad ng edukasyon.

Ayon sa mambabatas, isang kaipokritahan na mismong si Duterte ang nagkukumpara sa kalagayan ng edukasyon sa ibang bansa gayung noong siya ay kalihim ng DepEd mula 2022 hanggang 2024 ay hindi siya nagtrabaho.

“Vice President Duterte has the audacity to criticize the education system when she herself  is the worst Deped secretary ever. VP Duterte even failed to deliver even a tiny fraction of what was expected of her during her tenure as Education Secretary,” ani Tinio kung saan idinagdag nito na “Walang karapatan magreklamo ang taong hindi nagtrabaho.”

Base aniya sa report ng Congressional Policy and Budget Research Department (CPBRD), binuhusan ng pondo ang DepEd noong 2023 at 2024  para bumili ng textbooks at ibang learning materials.

Gayunpaman, 11% lamang umano sa budget ng textbooks at learning materials ang ginamit ni Duterte noong 2023 habang 17% naman noong 2024.

Maging sa report aniya ng Commission on Audit (COA), 192 classroom lamang ang naitayo ni Duterte mula sa target na 6,379.

Sa ilalim din aniya ni Duterte sa DepEd, 48% lamang ang nagamit nito sa pondo ng school-based feeding program ng ahensya gayung alam nito na ang mga batang gutom at walang aklat ay hindi matututo.

(BERNARD TAGUINOD)

74

Related posts

Leave a Comment