MAYORYA ng mga Pilipino ay walang tiwala sa Tsina at nakikita ang bansa bilang ‘greatest threat’ sa Pilipinas, ayon sa resulta ng pinakabagong Tugon ng Masa survey ng OCTA Research, ipinalabas araw ng Lunes.
“A great majority of adult Filipinos (85%) continue to distrust China, with only 15 percent saying the Philippines should trust the country,” ang sinabi ng OCTA.
Ilang rehiyon gaya ng MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, at Caraga ang nag-ulat ng ‘full 100% distrust’ sa Tsina. Ang Cagayan Valley ang nakapagtala ng pinakamababang kawalan ng tiwala sa Tsina, nakahamig ito ng 34%.
“China is also overwhelmingly viewed as the greatest threat to the Philippines, cited by 74 percent of respondents, far ahead of Russia and North Korea at 4 percent each,” ayon sa OCTA.
Ayon pa sa OCTA, ang pangunahing dahilan ng mga pinoy sa kawalan ng tiwala sa Tsina ay ang ‘agresibong galaw o pagkilos ng Tsina sa West Philippine Sea (66%), pagdagsa ng smuggled products mula Tsina na labis na nakasakit at nakapinsala sa lokal na industriya na may (13%), pagtaas ng kasong kriminal na sangkot ang Chinese nationals (9%) at ang job competition mula Chinese workers (8%).
Samantala, sinabi ng OCTA na lumabas sa resulta ng survey na ‘great majority’ ng mga pinoy na may 76% ay mahigpit na sumusuporta na ipagtanggol ang maritime rights ng bansa pagtibayin na ang WPS ay isang mahalagang parte ng maritime entitlements ng Pilipinas at suportado ang government efforts upang igiit ang mga ito.
Ang non-commissioned poll ay isinagawa ng OCTA mula July 12 hanggang 17, 2025 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 respondents na may edad na 18 at paitaas.
Ang survey ay mayroong ±3% margin of error na may 95% confidence level, ayon sa OCTA.
“Subnational estimates for the geographic areas covered in the survey have the following margins of error at a 95% confidence level: ±6% for Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, and Mindanao,” dagdag na pahayag ng OCTA.
(CHRISTIAN DALE)
