PUBLIKO DUDA SA APPOINTMENT NI REMULLA SA OMBUDSMAN

PUNA ni JOEL O. AMONGO MARAMING nagsasabi na kaya itinalaga ni Pangulong Junjun Marcos si Department of Justice (DOJ) Secretary Boying Remulla sa Office of the Ombudsman ay para puntiryahin at pilayin si Vice President Inday Sara Duterte. Bagama’t binigyang-linaw ni newly appointed Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na hindi umano siya tutuon sa isang kampo ng politika para sa kanyang bagong posisyon, ay hindi pa rin kumbinsido ang marami sa sinasabi niya. Sa isang press conference na pinaunlakan ni Remulla noong noong Martes, Oktubre 7, 2025, sinabi niyang hindi…

Read More

UNCONSTITUTIONAL ACT NG DBM – ATTY. RODRIGUEZ

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) BINIRA ni dating executive secretary Atty. Vic Rodriguez ang Department of Budget and Management (DBM) dahil sa patuloy nitong pagpopondo sa Department of Public Works and Highways (DPWH) sa kabila ng pagtutol ng mamamayan. Sa kanyang Facebook post kamakailan, nagpahayag ng pagka-intriga ang abogado sa ‘hawak na alas’ ng DBM laban sa Malakanyang kaya mistulang hindi ito mapigilan sa paglustay ng pondo. “Sa kabila ng mahigpit na pagtutol nating mga Pilipino sa ginagawang paglapastangan ng Marcos administration sa kaban ng bayan at paglabas ng mga ebidensya’t…

Read More

CONG. LUISTRO MANOK NI SANDRO MARCOS SA DOJ?

UMIINIT ang usap-usapan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na si Batangas 2nd District Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro ang itatalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang bagong kalihim ng Department of Justice (DOJ) kapalit ni Jesus Crispin “Boying” Remulla, na lumipat sa Office of the Ombudsman. Ayon sa impormasyon, si House Majority Leader Sandro Marcos umano ang nagmumungkahing italaga si Luistro sa puwesto. “Marami nang bumabati kay Cong. Jinky,” ayon sa impormanteng tumangging magpakilala. Napaulat din na ipinatawag si Luistro sa Malacañang kaugnay ng kanyang posibleng appointment. Bago naging…

Read More

GOBYERNO, MAY P182.8-B PANG PONDO SA REHABILITASYON NG MGA PINSALANG DULOT NG MGA KALAMIDAD

KINUMPIRMA ni Senador Sherwin Gatchalian na mayroon pang kabuuang P182.8 bilyon ang gobyerno upang palakasin ang mga hakbang sa pagtugon at rehabilitasyon ng mga pinsalang dulot ng mga nagdaang kalamidad sa bansa. Batay sa datos mula sa opisina ng senador, kabilang sa 2025 national budget na magagamit para sa rehabilitasyon at pagtugon sa mga sakuna ang ₱7 bilyong balanse mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Fund, ₱6.4 bilyon mula sa Quick Response Fund, at ₱287 milyong pondo para sa Disaster Response Operations ng Office of Civil Defense. Bukod…

Read More

PONDO PARA SA AFP MODERNIZATION, SUPORTADO NG SENADOR

TINIYAK ni Senator JV Ejercito ang suporta sa pagkakaloob ng sapat at tuloy-tuloy na pondo para sa modernization program ng Armed Forces of the Philippines sa gitna ng patuloy na pagbabawas ng budget at lumalalang mga banta sa panlabas na seguridad ng bansa. Sa pagdinig ng Senado sa panukalang budget ng Department of National Defense at mga attached agencies, nanawagan si Ejercito sa pamahalaan na tiyaking may sapat at tuloy-tuloy na pondong nakalaan para sa AFP modernization upang mapalakas ang depensa ng bansa, lalo na sa gitna ng tensyon sa…

Read More

ESTUDYANTE INARARO NG NASAGING EV DRIVER

RIZAL — Isang 15-anyos na estudyante ang binangga umano nang sadya ng isang driver ng electric vehicle (EV) habang papasok sa eskuwela sakay ng motorsiklo nitong Lunes ng umaga sa Teresa, Rizal. Batay sa post ni Jonald Reynaldo, pinsan ng ama ng biktima, nangyari ang insidente noong Oktubre 7, 2025 sa tapat ng palengke ng bayan. Ayon sa ulat, nagkaroon muna ng sagian sa pagitan ng motorsiklo ng estudyante at kotse ng suspek. Dahil dito, tinakbuhan umano ng bata ang drayber, dahilan para habulin ito ng suspek hanggang sa Alas…

Read More

Sinampahan ng rape ng detainee DEPUTY POLICE CHIEF INILAGAY SA RESTRICTIVE CUSTODY

ISANG deputy police chief sa Cavite province ang inilagay sa restrictive custody matapos sampahan ng kasong panggagahasa sa kanilang police station ng isang illegal drug detainee, ayon sa Philippine National Police (PNP). Sa ginanap na pulong balitaan sa Camp Crame kahapon, inihayag ni PNP Public Information chief, Brig. Gen. Randulf Tuaño na sinibak na sa puwesto ang nasabing deputy police chief at ikinostodiya ng Cavite PNP noong Setyembre 19 at sinampahan ng kaso noong Setyembre 23, 2025 dahil sa paglabag sa Republic Act No. 8353 o the Anti-Rape Law, ani…

Read More

AKTIBONG PULIS HINULI NG IMEG SA PAGSUSUGAL SA NEGROS ORIENTAL

KALABOSO ang isang aktibong pulis na may ranggong Patrolman matapos maaktuhan ng PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) na nagsusugal ng “Hantak” o cara y cruz sa Bayawan City, Negros Oriental noong Oktubre 5. Kasama ng pulis, inaresto rin ang isang sibilyan sa isinagawang operasyon ng IMEG Visayas Field Unit sa Purok Nalundan, Barangay Dawis. Ayon sa IMEG, nagsimula ang operasyon matapos silang makatanggap ng reklamo hinggil sa presensiya ng pulis na sangkot sa ilegal na sugal. Nakumpiska mula sa suspek ang kanyang service firearm, police ID, at marked money…

Read More

OBRERO TINUSOK HABANG NAG-AALMUSAL, PATAY

CAVITE – Hindi na natapos sa pag-aalmusal ang isang 32-anyos na construction worker nang atakehin ng saksak sa kanilang barracks sa Bacoor City noong Martes ng umaga. Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Eduardo Arbie Butac, 32, stay-in sa JJM Barracks sa Brgy. Mambog 4, Bacoor City Cavite dahil sa saksak sa katawan. Pinaghahanap naman ang suspek na si alyas “Alvaro”, 40, ng Mutya Compound, Brgy. mambog IV, Bacoor City, na tumakas matapos ang insidente. Ayon sa ulat, nag-aalmusal ang biktima at kasama nitong si alyas “Diane” sa…

Read More