MAGNOBYONG SELLERS NG REGISTERED SIM CARDS HULI SA CAVITE

CAVITE – Kalaboso ang magkasintahan na nagbebenta ng registered SIM cards, makaraang maaresto sa isinagawang entrapment operation sa isang mall sa lalawigan noong Miyerkoles.

Ayon kay ACG Director Police Brigadier General Bernard Yang, isinagawa ang entrapment operation sa isang mall sa Imus na nagresulta ng pagkakaaresto sa magkasintahan.

Nakuha sa kanilang pag-iingat ang 1,000 piraso ng Sim cards na bultuhang ibinebenta sa halagang P20,000.

Sinabi ni Yang, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta ng registered Sim cards dahil posible itong magamit sa cybercrimes tulad na lang ng scamming.

Nahaharap ang mga suspek sa reklamong paglabag sa SIM Registration Act of 2022 at Cybercrime Prevention Act of 2012.

(TOTO NABAJA)

72

Related posts

Leave a Comment