Nagsagawa ang Manila Electric Company (Meralco) kasama ang lokal na pamahalaan ng Makati ng wire-clearing operations para isulong ang pambublikong kaligtasan at masiguro ang paghahatid ng ligtas at maasahang serbisyo ng kuryente.
Sa katatapos lang na wire clearing operations sa kahabaan ng Camia Street sa lungsod ng Makati, binigyang diin ni Makati Mayor Nancy Binay ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga lokal na pamahalaan at pribadong sektor upang maisakatuparan ang inisyatibong ito. Pinaalalahanan rin niya ang lahat ng telecommunications at internet service provider na kumuha muna ng kaukulang permit bago gamitin ang mga pasilidad ng Meralco. Simula noong Enero, umabot na sa mahigit 2,000 kilo ng mga unauthorized wire attachments ang natanggal ng Meralco sa lungsod ng Makati.
Sinabi ni Meralco Vice President and Head of Corporate Communications Joe R. Zaldarriaga na patuloy na nakikipagtulungan ang Meralco sa mga lokal na pamahalaan sa pagsasagawa ng programang ito hindi lamang ang integridad ng mga pasilidad kundi para masiguro ang kaligtasan ng lahat.
