VICO SA MGA DISCAYA: SINUNGALING!

IPINUNTO ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang mga pagsisinungaling ng mag-asawang contractor na sina Sarah at Curlee Discaya ukol sa flood control programs.

Sa pagdinig ng House Infra Comm, tinawag ng alkalde na “lantarang kasinungalingan” ang mga sinabi ng mag-asawa sa kanilang pagharap sa Senado.

Aniya, napansin niya na maraming pagkakaiba sa mga pahayag ng mag-asawa sa mga nakalipas na pagharap nila sa Senado.

“Lantarang kasinungalingan naman po ‘yung mga sinasabi nito. Hindi naman po bago sa kanila ang pagsisinungaling, naobserbahan na po natin ito on the record and in public very many times,” wika ni Sotto.

“Dito sa kaso na ‘to, ang sinungaling ay asawa ng magnanakaw,” dagdag pa niya.

Naniniwala si Sotto na ginugulo ng mag-asawa ang kuwento upang hindi lumabas ang katotohanan sa isyu ng flood control projects.

“Hindi lang sila basta naglalaglagan, gusto nila magulo ang kwento. Gusto nila lituhin tayo. Gusto nila na di na natin malalaman ang totoo,” ani Sotto.

Una nang nagpahayag ng duda si Sotto sa pahayag ng mag-asawa, lalo na sa pagdating sa kanilang kita sa mga proyekto.

“Yung pinaka obvious na lang munang halimbawa ng kasinungalingan. Sabi ni Mistermind Curlee ‘2-3% lang’ ng contract cost ang kita nila kada project. ‘Swerte na’ daw kung 5%. Sa ibang project lugi pa daw sila (wow),” wika ni Sotto sa isang Facebook post.

Sinabi pa niya na hindi tugma ang pinakahuling testimonya ni Curlee Discaya sa nauna nitong pahayag sa isang panayam na sila’y bilyonaryo at may “11 digits” na assets o hindi bababa sa P10 bilyon.

79

Related posts

Leave a Comment