650 RESIDENTE NAKINABANG SA COMMUNITY ACTIVITIES NG QCPD

SA kabila ng naganap na protest rally sa lungsod, matagumpay na naisagawa ng Quezon City Police District (QCPD) ang serye ng Community Engagement Activities sa tatlong barangay ng Quezon City noong Setyembre 13, 2025.

Ayon kay QCPD District Director PCOL Randy Glenn Silvio, ang mga aktibidad ay isinagawa ng District Community Affairs and Development Division (DCADD) sa pamumuno ni PLTCOL Allan Docyogen, katuwang ang Station Community Affairs Sections (SCADS), QCADAAC, at mga opisyal ng barangay.

Kabilang sa mga lugar na tinungo ng QCPD ang: Brgy. South Triangle (PS 10) – Nakabenepisyo ang humigit-kumulang 250 residente sa lecture at pamamahagi ng pagkain; Sitio Punong Diablo, Brgy. Tatalon (PS 11) – Humigit-kumulang 200 residente ang nakatanggap ng ayuda at nakilahok sa raffle draw na may premyong nagkakahalaga ng P200 bawat isa;

Sitio Matang Tubig, Brgy. Horseshoe (PS 7) – Mahigit 200 kalahok ang nakinabang sa livelihood demonstration sa paggawa ng “Al-Cologne” bilang bahagi ng programang pangkabuhayan.

Sa kabuuan, tinatayang 650 residente ang natulungan sa pamamagitan ng pamamahagi ng food packs, mainit na pagkain, at iba pang serbisyong hatid ng pulisya.

Binigyang-diin ng QCPD na ang mga naturang programa ay bahagi ng kanilang patuloy na adbokasiya sa pagpapatibay ng ugnayan ng pulisya at komunidad, gayundin sa pagtataguyod ng kapayapaan at kapakanan ng mamamayan ng Lungsod Quezon.

(PAOLO SANTOS)

78

Related posts

Leave a Comment