Sinampahan ng rape ng detainee DEPUTY POLICE CHIEF INILAGAY SA RESTRICTIVE CUSTODY

ISANG deputy police chief sa Cavite province ang inilagay sa restrictive custody matapos sampahan ng kasong panggagahasa sa kanilang police station ng isang illegal drug detainee, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa ginanap na pulong balitaan sa Camp Crame kahapon, inihayag ni PNP Public Information chief, Brig. Gen. Randulf Tuaño na sinibak na sa puwesto ang nasabing deputy police chief at ikinostodiya ng Cavite PNP noong Setyembre 19 at sinampahan ng kaso noong Setyembre 23, 2025 dahil sa paglabag sa Republic Act No. 8353 o the Anti-Rape Law, ani Tuaño.

“This deputy chief of police, our suspect, is currently in restrictive custody at the Cavite Police Provincial Office. Our victim is being considered to be moved to another custodial facility,” sabi pa ng PIO chief.

Isang 34-anyos na female detainee ang pormal na naghain ng reklamo matapos siyang gahasain umano sa loob ng Noveleta Municipal Police Station sa Cavite ng isang police lieutenant.

Nabatid na ang biktima at ang kanyang live-in partner ay inaresto dahil sa drug-related case.

“Base po statement ng biktima na isang 34 years old, magmula po nung siya ay puntahan ng deputy chief of police noong gabi ng September 3 at umabot po ng September 4 ng umaga [nangyari] ang diumano ang panghahalay sa kanya,” ani Tuaño.

Nakapagsumbong umano ang biktima nang makatawag siya sa Unified 911 system noong Setyembre 18. At kinabukasan ay mabilis na tinugunan ang reklamo nito.

“Kinabukasan, September 19, ito po ay inaksyunan ng NAPOLCOM 4A officers at WCPD inspection sa kung saan ay ininterbyu po nila yung biktima,” sabi pa Tuaño.

Samantala, sinibak din sa puwesto ang hepe ng Noveleta Municipal Police Station hanggang hindi natatapos ang imbestigasyon sa kaso.

“Bilang patunay po ang zero tolerance na hindi po tino-tolerate ng pamunuan PNP ang mga pagkakamali ng kanyang tauhan,” ani Tuaño. Pinag-aaralan din umano ng PNP ang paghahain ng administrative cases laban sa relieved deputy police chief at kanyang immediate superior dahil sa nasabing rape incident.

(JESSE RUIZ)

 

15

Related posts

Leave a Comment