CONG. LUISTRO MANOK NI SANDRO MARCOS SA DOJ?

UMIINIT ang usap-usapan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na si Batangas 2nd District Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro ang itatalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang bagong kalihim ng Department of Justice (DOJ) kapalit ni Jesus Crispin “Boying” Remulla, na lumipat sa Office of the Ombudsman.

Ayon sa impormasyon, si House Majority Leader Sandro Marcos umano ang nagmumungkahing italaga si Luistro sa puwesto.

“Marami nang bumabati kay Cong. Jinky,” ayon sa impormanteng tumangging magpakilala.

Napaulat din na ipinatawag si Luistro sa Malacañang kaugnay ng kanyang posibleng appointment.

Bago naging kongresista, nagsilbi si Luistro bilang consultant ng Witness Protection Program ng DOJ, state counsel, at pinuno ng special presidential task force na nag-imbestiga sa tax credit scam noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Kasalukuyan siyang chairman ng House Committee on Justice at miyembro ng Judicial and Bar Council (JBC).

Kung tuluyang maitalaga, magiging ikalawang mambabatas mula sa Kamara na kinuha ni Marcos Jr. para sa Gabinete — tulad ni Remulla na hinugot mula sa Cavite 7th District noong 2022 upang pamunuan ang DOJ.

(BERNARD TAGUINOD)

9

Related posts

Leave a Comment