AYAW ng karamihan sa mga Pilipino na pasawsawin ang militar sa pulitika.
Ito ang lumabas sa Tugon ng Masa Q3 2025 survey ng OCTA Research, kung saan 70% ng mga Pinoy ang mariing tumutol sa anomang military intervention sa political affairs ng bansa.
Ayon sa OCTA, malinaw na ipinapakita ng resulta ang “malalim at matatag na paniniwala ng mga Pilipino sa demokrasya, civilian rule, at constitutional governance.”
Tanging 5% ang pabor sa military involvement habang 22% ang undecided.
Pinakamataas ang pagtutol sa Mindanao (79%) at NCR (78%), ayon sa survey.
Dagdag pa ng OCTA, nananatili ang mataas na tiwala ng publiko sa Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil sa kanilang professionalism, integridad, at pagiging apolitical — hindi sa pagsawsaw sa mga isyung politikal.
Tinatayang 8 sa bawat 10 Pilipino ang mas pinipili pa rin ang demokrasya, patunay umano ng matatag na suporta ng publiko para sa civilian rule sa bansa.
(JESSE RUIZ)
13
