NAGLABAS ng listahan ng travel essentials ang Philippine Ports Authority (PPA) ngayong Undas 2025, kasabay ng paalala para sa ligtas at maayos na biyahe sa mga pantalan sa bansa.
Para sa mga pamilyang may bata: Dalhin ang tickets at IDs, snacks at inumin, laruan, aklat o tablet, wet wipes, extrang damit, sumbrero o jacket, basic first-aid kit (band-aid, thermometer, paracetamol drops), at name tag o safety wristband.
Paalala rin ng PPA, hawak-kamay dapat ang mga bata sa mataong lugar para iwas sa pagkaligaw.
Para sa mga solo travelers: Bitbitin ang valid ID at ticket (may digital copy), compact bag lang, tubig, power bank at charger, light jacket o shawl, emergency contacts, at ipaalam ang ruta sa pamilya o kaibigan.
Huwag kalimutan ang sanitizer at wipes, at siguraduhing maagang dumating sa pantalan upang makaiwas sa siksikan at abala.
Sa senior citizens: Dalhin ang maintenance meds (nakalabel), medical ID o reseta, magagaan na meryenda at tubig, portable fan o maliit na unan, eyeglasses/reading aids, valid ID at travel papers, at assistance card o contact ng kasama.
Giit ng PPA, “Huwag mahiyang humingi ng tulong sa aming staff kung may kailangan.”
Sa mga plantitas at plantitos naman: Kailangan ng Clearance for Domestic Transport (CDT) mula BPI–NPQSD, lalo na kung magdadala ng halaman.
Sa fur parents: Dalhin ang Veterinary Health Certificate at valid shipping permit mula BAI–NVQS, na dapat ay balido hanggang 7 araw.
(JOCELYN DOMENDEN)
16
