IPINAGMALAKI ng Quezon City Police District (QCPD) ang mga makabuluhang nagawa nito sa serbisyo mula Oktubre 19 hanggang 25, 2025, kabilang ang mga programang pangkalusugan, parangal sa mga tauhan, at tulong sa komunidad.
Ayon kay Acting District Director PCol. Randy Glenn Silvio, umabot sa 194 benepisyaryo ang natulungan ng QCPD Medical and Dental Unit, kabilang ang mga pulis, dependents, sibilyan, at Persons Under Police Custody (PUPC). Kabilang sa mga serbisyong ibinigay ang medical check-ups, dental care, chest X-ray, at pre-medical exams para sa mga papasok sa PFT sa Nobyembre.
Kasabay nito, 1,601 tauhan ang binigyan ng papuri at 184 ang ginawaran ng parangal bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon at huwarang serbisyo.
Sa aspeto ng community relations, nagsagawa ang QCPD ng 198 community engagement activities sa iba’t ibang barangay sa lungsod upang patibayin ang tiwala at ugnayan ng pulisya at mamamayan.
Bilang bahagi ng Damayan sa QCPD, Inc., nagpaabot din ng ₱130,000 tulong pinansyal sa 13 pulis bilang suporta sa moral at welfare program.
Upang mapanatili ang operational readiness, ipinaayos ng QCPD ang tatlong service vehicles para mapabuti pa ang response capability ng mga istasyon at yunit nito.
“Nananatiling matatag ang QCPD sa paghahangad ng kahusayan—pinangangalagaan namin ang aming mga tauhan, pinahuhusay ang operasyon, at pinalalakas ang ugnayan sa komunidad,” pahayag ni PCol. Silvio.
(PAOLO SANTOS)
22
