BUHAY ASENSO CASH LOAN PARA SA DRIVERS, RIDERS INILUNSAD NG GRAB SA HEALTH & WHEELNESS 2025

PINALAKAS pa ng Grab ang suporta nito sa mga partner driver at rider sa pamamagitan ng bagong tulong-pinansyal na tinawag na Buhay Asenso Cash Loan, na opisyal na inilunsad sa ginanap na Health & Wheelness 2025 Expo kamakailan.

Ang programa ay idinisenyo para magbigay ng mabilis na akses sa pondo at buwanang benepisyo na makatutulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga Grab at MOVE IT partner. Sa pamamagitan ng in-app application at crediting process, mas madali na silang makautang dahil pwedeng gawin ang lahat ng proseso sa loob ng Grab o MOVE IT app.

Layunin ng Buhay Asenso Cash Loan na magsilbing praktikal na takbuhan para sa mga partner sa oras ng kagipitan, lalo na sa mga gastusin sa sasakyan at kalusugan ng pamilya. Kabilang sa regular perks nito ang diskwento sa car maintenance at oil change sa Rapide at SeaOil, GrabMart vouchers, tuition discounts mula sa NBS College, at pati libreng konsultasyon sa mga Healthway clinic.

Ayon kay CJ Lacsican, Vice President for Cities ng Grab Philippines at Country Head ng Grab Financial Group, importanteng maabot ng mga gig worker ang abot-kayang financing upang maging mas matatag sila sa trabaho at sa buhay.

“Importante talaga na madali silang makautang kapag kailangan. Dapat may maaasahan ang mga driver at rider para sa mga gastusin sa pamilya, sa kalusugan, o kahit sa maliit na negosyo. Kapag madali ang proseso at maayos ang sistema, mas nagiging handa sila at mas nakakapagplano para sa kinabukasan,” pahayag ni Lacsican.

Bukod sa loan program, tampok din sa Health & Wheelness Expo ang libreng general check up, dental at eye exam, at pati pediatric at OB-GYN consultations para sa mga partner at kanilang pamilya. Naroon din ang mga booth ng SSS, Pag-IBIG, at PhilHealth upang mas mapadali ang pag-access sa mga social benefit program.

Mahigit 4,000 driver, rider, at kanilang pamilya ang dumalo sa expo, na tumutok hindi lang sa kalusugan ng katawan kundi pati sa kabuhayan at pangangalaga sa kanilang mga sasakyan.

Kasabay nito, inilunsad din ng Grab ang Brake Ka Muna, isang online education campaign na nagtuturo ng mga praktikal na kaalaman sa paghawak ng pera, pangangalaga sa kalusugan, at tamang pag-aalaga ng sasakyan. Layunin nitong paalalahanan ang mga partner na maglaan ng oras para sa sariling kapakanan kahit abala sa byahe.

Sa kabuuan, ipinakita ng Grab sa pamamagitan ng Buhay Asenso Cash Loan at Health & Wheelness 2025 Expo na ang pag-asenso ng kanilang mga partner ay hindi lamang nakasalalay sa kita, kundi sa kabuuang kagalingan, sa trabaho man o sa tahanan.

205

Related posts

Leave a Comment