MATAGUMPAY na isinagawa ang kauna-unahang Navotas Business Conference sa pangunguna ng Philippine Chamber of Commerce and Industry–Navotas, katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pamumuno nina Mayor John Rey Tiangco at Rep. Toby Tiangco.
Tampok sa naturang pagtitipon ang mga talakayan, exhibits, at networking sessions na dinaluhan ng mga negosyante, innovators, at industry leaders mula sa iba’t ibang sektor. Layunin ng kumperensiya na palawakin ang oportunidad sa negosyo at isulong ang patuloy na pag-unlad ng Navotas City.
(AJ GOLEZ)
64
