(Ni ABBY MENDOZA)
Dalawa sa limang justices ng Special Division ng First Division ng Sandiganbayan ay naniniwalang nagkasala si dating Senador Ramon “Bong Revilla Jr. sa kasong plunder na inihain laban sa kanya, samantalang tatlo sa kanila ay walang nakitang ebidensiya upang makulong ang dating mambabatas.
Ito ay sina Justices Efren dela Cruz at Maria Theresa Dolores Gomez-Estoesta, samantalang ang tatlong mahistrado na kumbinsidong walang partisipasyon si Revilla sa plunder charges na ikinaso sa kanya ay sina Justices Geraldine Faith Econg, Edgardo Caldona at Georgina Hidalgo.
Base sa desisyon, walang makitang matibay na ebidensya ang tatlong mahistrado, kaya para sa kanila ay abswelto si Revilla.
Gayunpaman, pinababayaran ng Sandiganbayan kina Revilla, Janey Lim-Napoles at Richard Cambre (dating chieg of staff ni Revilla) ang P124 milyon bilang civil liability nila sa pamahalaan.
Ang nasabing halaga ay mapupunta sa National Treasury.
Sina Lim at Cambre ay napatunayang “guilty” sa nasabing mga kasong plunder.
326