‘EMMAN ATIENZA BILL’ SUPORTA NG MANILA CITY COUNCIL

SUPORTADO ng Manila City Council ang “Emman Atienza Bill” na naglalayong protektahan ang mga kabataan laban sa online harassment.

Ang batas na ito ay inihain ni Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito bilang pag-alala kay Emmanuelle “Emman” Atienza na nakaranas ng cyberbullying.

Sa isang pahayag, sinabi ni Vice Mayor Chi Atienza na sana’y magsilbing aral ang nangyari sa kanyang pamangkin na kailangan nating ipagtanggol ang ating mga anak sa digital world.

Hinikayat din ng bise alkalde ang publiko na mag-ingat sa mga salitang binibitawan at magpakita ng kabutihan araw-araw.

“Sana’y maisabatas ito upang maproktektahan ang mga kabataan at ang mga may mental health issues”.

(JOCELYN DOMENDEN)

61

Related posts

Leave a Comment