PANSAMANTALANG isasara ang ilang pangunahing kalsada sa Maynila mula Nobyembre 16 (Linggo) hanggang Nobyembre 18 (Martes) para bigyang-daan ang tatlong araw na rally ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Rizal Park, na nananawagan ng transparency at accountability ng gobyerno.
Ayon sa Manila Police District (MPD), ang mga kalsadang isasara sa naturang petsa: Southbound lane ng Roxas Blvd. (Katigbak Dr. hanggang P. Ocampo), Northbound lane ng Roxas Blvd. (President Quirino Ave. hanggang Katigbak Dr.), Northbound at southbound ng Bonifacio Dr. (Anda Circle hanggang Katigbak Dr.), Katigbak Dr. at South Dr., Independence Rd., P. Burgos Ave. (Roxas Blvd. hanggang Taft Ave.), Finance Rd. (P. Burgos Ave. hanggang Taft Ave.), Ma. Orosa St. (P. Burgos Ave. hanggang Kalaw Ave.), Kalaw Ave. (Taft Ave. hanggang Roxas Blvd.), Round Table (Palacio St. at Gen. Luna St.)
Rerouting scheme:
Mga sasakyan mula MacArthur, Jones, at Quezon Bridge patungong southbound ng Roxas Blvd. – dadaan sa P. Burgos Ave. diretso sa Taft Ave.
Mga sasakyan mula Ma. Orosa St. – kanan sa UN Ave. papuntang Taft Ave.
Mula A. Mabini St. – kanan sa UN Ave. papuntang Taft Ave.
Mula UN Ave. patungong Roxas Blvd. – kaliwa sa M.H. del Pilar St.
Mula Bonifacio Dr. – paikot sa Anda Circle o A. Soriano Ave.
Mula Intramuros – Magallanes Dr. tapos kanan sa P. Burgos Ave.
Trailer trucks/mabibigat na sasakyan mula Pasay (Roxas Blvd. northbound) – kanan sa President Quirino Ave.
Light vehicles – Roxas Blvd. service road northbound.
Trucks mula Mel Lopez Blvd. (R-10) – kaliwa sa Capulong St., diretso Yuseco St. hanggang Lacson Ave. (old truck route).
Samantala, mahigit 15,000 pulis ang ipakakalat ng Philippine National Police (PNP) para sa seguridad ng INC rally.
Ayon kay P/Maj. Hazel Asilo, tagapagsalita ng NCRPO, nasa 16,433 pulis ang ide-deploy — 8,482 mula sa Metro Manila at mahigit 7,000 bilang augmentation mula sa mga regional offices.
Bukod sa Luneta, magpapakalat din ng mga pulis sa EDSA People Power Monument, US Embassy, Mendiola, at iba pang posibleng lugar ng pagkilos.
Tiniyak ng NCRPO na tututukan ang seguridad at trapiko sa paligid ng EDSA at Maynila upang maiwasan ang pagbigat ng daloy ng sasakyan, tulad ng naranasan sa nagdaang “Trillion Peso March” kontra korupsyon.
(JOCELYN DOMENDEN/CHAI JULIAN)
22
