ConCon Bill nilarga ng NUP solons CHA-CHA KUMILOS NA SA KAMARA

PORMAL nang inihain ng mga miyembro ng National Unity Party (NUP) sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na nagpapatawag ng Constitutional Convention (ConCon) para sa modernisasyon umano ng 1987 Constitution.

Kahapon ay isinapubliko ni NUP chairman at House Deputy Speaker Ronaldo “Ronie” Puno ang House Bill (HB) 5870 na naglalayong magpatawag na ng ConCon para amyendahan ang Saligang Batas.

“For nearly four decades, the 1987 Constitution has anchored our democracy. But experience has shown that ambiguities, procedural lapses, and outdated provisions have created confusion and weakened institutional accountability,” paliwanag ng NUP solons.

Base sa nasabing panukala, magkakaroon ng 150 ConCon delegates mula sa 18 administrative region kasama na ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at target na maihalal ang mga ito sa May 11, 2026.

‘Each region will elect three base delegates, with additional delegates apportioned according to population, ensuring balanced and inclusive representation. There will be no appointive delegates, unlike in previous conventions, to further insulate it from political influence,” ayon pa sa panukala.

Bawat delegado ay kailangang natural-born citizens na hindi bababa sa 25-anyos, nakapagtapos sa kolehiyo at walang koneksyon sa political offices at hindi pwedeng maitalaga sa gobyerno kapag natapos ang kanilang trabaho sa loob ng isang taon.

Layon umano nito na masiguro na maproteksyunan ang ConCon sa impluwensya ng mga politiko at magampanan ang kanilang trabaho na ireporma ang saligang batas.

“The Constitutional Convention offers the most prudent, participatory, and legitimate mechanism for reform,” said Deputy Speaker Puno. “It invites the nation to confront enduring constitutional ambiguities through reasoned debate, anchored in the rule of law and the people’s voice,” ani Puno.

Bibigyan lamang ang mga delegado ng isang taon para tapusin ang kanilang trabaho at matapos nito ay isusumite sa publiko ang kanilang mga binago sa saligang batas na aaprubahan sa pamamagitan ng plebisito.

(BERNARD TAGUINOD)

12

Related posts

Leave a Comment