MOMAY ISAMA SA BIKTIMA NG AMPATUAN MASSACRE

SA paggunita sa ika-16 anibersaryo ng Ampatuan Massacre, isang petisyon ang inihain kahapon sa Court of Appeals (CA) para isama si Reynaldo “Bebot” Momay bilang ika-58 biktima ng pamamaslang noong Nobyembre 23, 2009 sa Maguindanao.

Sa Manifestation with Urgent Motion for Resolution and Motion to Correct Clerical Errors na inihain ni Atty. Gilbert Andres, iginiit niyang dapat agad resolbahin ng CA ang apela ng pamilya Momay matapos hindi ito kilalanin sa listahan ng mga nasawi sa Maguindanao massacre. Kinuwestiyon din niya ang partial decision ng Quezon City RTC Branch 221 noong Disyembre 19, 2019, na naglalaman umano ng clerical errors matapos hindi maisama ang pangalan ni Momay sa 58 biktima.

Hiniling ng pamilya na pagbayarin ng dagdag na danyos ang mga akusado, higit pa sa naunang P100,000 na itinakda ng korte. Ayon sa mosyon, patuloy na nakararanas ng matinding trauma at dalamhati ang pamilya Momay dahil sa desisyon ng mababang hukuman. Iginiit ni Atty. Andres na bagama’t pustiso lamang ang narekober na labi ng photojournalist, sapat itong ebidensiya upang kilalanin siya bilang biktima ng masaker.

(JULIET PACOT)

25

Related posts

Leave a Comment