KINUMPIRMA ni PNP spokesperson PBGen. Randulf Tuaño na sinibak sa puwesto ang commander ng PNP Drug Enforcement Group–Special Operations Unit ng CALABARZON dahil sa command responsibility, kasunod ng pagnanakaw at panghahalay umano ng kanyang mga tauhan sa bahay ng isang Grade 9 student sa Bacoor, Cavite.
Kasama ring ni-relieve ang 14 na suspek, kabilang ang walong naaresto sa loob mismo ng Camp Vicente Lim, ang kanilang team leader na may ranggong Police Lieutenant, habang anim pa ang nananatiling at-large. Inaresto ang mga suspek ng Bacoor PNP noong Linggo ng madaling araw matapos magreklamo ang pamilya ng biktima hinggil sa insidenteng naganap noong Sabado ng umaga.
Nabawi sa operasyon ang isang dilaw na Mio i 125 motorcycle, iPhone 13 ng biktima, ilang armas at bala, dalawang plaka na may numerong RGD-944, at tinatayang P500,000 halaga ng shabu.
(TOTO NABAJA)
42
