LAHAT NG SANGKOT SA FC SCAM MAKUKULONG – REMULLA

“LAHAT sila makukulong,” pagtitiyak nitong Huwebes ng Department of the Interior and Local Government tungkol sa mga akusado sa multi billion flood control scandal sa DPWH.

Ayon kay Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, desidido ang pamahalaang Marcos na ipakulong ang lahat ng may sala sa floodgate scam. Tutugisin sila at pananagutin ang lahat ng sangkot sa korapsyon lalo na ang mga sabit sa flood control anomaly.

“Makakaasa kayo na ang gobyerno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay hindi umaatras sa hamon na ang mali, nagkamali at nagnakaw, lahat sila makukulong nitong 2026,” pahayag ng kalihim sa ginanap na Vice Mayors’ League of the Philippines 29th National Convention sa Manila.

Mariin ding inihayag ni Remulla, ngayong nagtatanong ang taong bayan kung paano ginagastos ang pondo ng bayan, matatag ang paninindigan ng Pangulo na kilalanin at ipakulong ang lahat ng personalidad na sangkot sa flood control project anomaly. “The people deserve honest service and a government that protects their hard-earned money,” ani Remulla.

Kaugnay nito, binigyang diin ng SILG ang mahalagang papel na ginagampanan ng local governments para mapanatili ang tiwala ng taong bayan, dahil ang mga LGU ang nasa frontlines ng mga government service. “Now is the best time to be in local government. No matter what positions you have, we give it our all,” ani Remulla.

“Iisa lang ang pananaw natin: pagandahin ang ating bayan, ang ating lalawigan, ang ating bansa,” panawagan pa ng kalihim sa mga lokal na opisyal.

“Ito na ang pag-asa ng ating bayan na magbago at makita na ang kanilang inihalal ay karapat-dapat,” palala pa ni Remulla sa hanay ng vice mayors. “Honest and accountable local leaders restore the people’s confidence in government.”

(JESSE RUIZ)

10

Related posts

Leave a Comment