NASA Pilipinas pa rin si Cassandra Li Ong, ang dokumentadong kinatawan ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) firm Lucky South 99, matapos itong makalabas ng Correctional Institution for Women (CIW).
Si Ong ay hinatulan ng life imprisonment sa kasong human trafficking at iba pang transnational crimes.
“Actually, humingi po tayo ng response mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at ang sabi po ay …sa kasalukuyan, base sa kanilang records ay nasa Pilipinas pa po si Ms. Cassandra Ong at patuloy pa rin po ang paghahanap sa kanya dahil nga siya po ay tinatawag na fugitive dahil may warrant of arrest na po,” ang sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa isang press briefing sa Malakanyang.
Sa kabilang dako, nanawagan naman si Castro sa sambayanang Pilipino na agad ipagbigay-alam sa mga awtoridad kapag nakita si Cassandra Ong.
“So, kung sinoman din po sa mga kababayan natin ang makakakita kay Cassandra Ong ipagbigay-alam din po agad sa ating law enforcement agencies para po magampanan din po ang pagsi-serve ng warrant of arrest sa kaniya,” ang dagdag na wika ni Castro.
Nitong Mayo, nagpalabas ng warrant of arrest ang Angeles, Pampanga Regional Trial Court Branch 118 laban kay Ong at iba pa para sa kasong qualified human trafficking sa operasyon ng scam hub na pinatatakbo ng Lucky South 99.
Dinismis naman ng Court of Appeals ang petisyon ni Ong laban sa indictment ng DOJ para sa qualified human trafficking.
(CHRISTIAN DALE)
55
