Top choice ng independent voters GRACE POE, ISKO UMALAGWA SA 2028 VP RACE SURVEY

MAYNILA — Lumalakas ang posisyon ni dating Senador Grace Poe sa laban para sa pagka-bise presidente sa 2028, batay sa pinakabagong survey ng WR Numero Research na inilabas kahapon ng umaga. Sa kabila ng dikit na labanan sa pangkalahatang ranggo, si Poe ang nangunguna sa hanay ng independent voters, na nakapagtala ng 10%, kapantay ni Manila Mayor Isko Moreno, at mas mataas kumpara kina Sen. Bam Aquino at Sen. Bong Go na may tig-8%.

Sa overall tally:
• Bong Go — 19.1% (+3 mula Agosto 2025)
• Robin Padilla — 8.5% (+1)
• Grace Poe — 8.4% (+2)

Ang malaking pag-angat ni Poe ay nagpapakita ng mas lumalawak na tiwala sa kanya, lalo sa mga botanteng hindi nakatali sa anomang political bloc — isang potensyal na “game changer” habang papalapit ang kampanya.
Iba pang datos:
• Bam Aquino — 7.2% (–1)
• Isko Domagoso — 6.8% (bagong pasok)
• Kiko Pangilinan — 5% (bagong pasok)
• Imee Marcos — 4.3% (–0.2)

Samantala, umakyat sa 30.6% ang undecided voters (+7), indikasyon na bukas pa ang maraming botante sa pagbabago ng kanilang opinyon.
Political bloc support data:
• Pro-Marcos: Poe (18%) — nangunguna
• Oposisyon: Poe at Hontiveros (8%)
• Independent: Poe #1 (10% kasama si Moreno)

Ipinapakita ng resulta na malakas ang hatak ni Poe sa cross-voter segments, isang mahalagang bentahe sa isang pambansang halalan na madalas nakasalalay sa mga independent swing votes.

35

Related posts

Leave a Comment