Umaming may anomalya sa flood control? TINIO NAGPATUTSADA KAY POLONG

“SO inaamin niya na kabilang ang distrito niya sa mga may bilyon-bilyong flood control anomalies. ‘Bakit ako lang’ daw. Thank you for your candor.”

Sagot ito ni ACT Teacher party-list Rep. Antonio sa tila pagrereklamo ni Davao City Rep. Paolo “Polong” Duterte na tanging ang Davao City ang pinupuntirya ng militanteng mambabatas sa imbestigasyon sa flood-control projects.

“Kung totoong objective si Tinio, bakit hindi niya sabay-sabay hinahabla ang mga distrito na may bilyon-bilyong flood control anomalies sa buong Pilipinas? Bakit ako lang? Bakit Davao lang?,” ayon sa statement ni Duterte.

Ginawa ng anak ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang pahayag dahil sa isinusulong na imbestigasyon ni Tinio sa flood control projects sa unang Distrito ng Davao City subalit ‘yung ibang distrito na may P20 billion, P30 Billion at P50 billion na flood funds ay hindi umano binabanggit ng militanteng mambabatas.

Unang napaulat na mula 2019 hanggang 2022 ay nagkaroon ng P51 billion na halaga ng proyekto ang distrito ni Rep. Duterte, mga taon kung saan pangulo pa ang kanyang amang si Rodrigo.

“Una sa lahat, I welcome the investigation. Wala tayong tinatago, wala tayong tinatakbuhan, at wala tayong kinakatakutan. Kung may imbestigasyon ang ICI, that is very much welcomed. Mas mabuti nang klaro ang lahat kaysa puro sigaw sa media,” ani Rep. Duterte.

Sinabi pa ng Davao Solon na nag-imbestiga na ang ICI at pabalik-balik na umano ang mga ito kasama ang Philippine National Police at National Bureau of Investigation (NBI) para inspeksyunin ang kanilang mga proyekto.

“Kulang na lang pati teroristang NPA mag-inspect na rin pag nautusan mo. Kung may nakita silang ‘double funding,’ ‘overpricing,’ o ‘unfinished projects,’ mas maganda ngang imbestigahan para makita kung saan talaga nanggaling ang problema at sino ang tunay na nakinabang,” ayon pa kay Rep. Duterte.

Tugon ni Tinio, dapat totohanin ni Rep. Duterte ang pakikipagtulungan sa imbestigasyon kasabay ng paglilinaw na hindi lamang Davao City ang kanilang nais iimbestigahan kundi lahat hanggang sa Malacanang.

“We hope and expect that Rep. Duterte will fully cooperate in uncovering these anomalies. Mula Davao hanggang Malacañang, lahat ng sangkot, dapat managot,” ayon pa kay Tinio.

(BERNARD TAGUINOD)

32

Related posts

Leave a Comment