HINDI magsasawang mangalampag ang ilang human rights groups hangga’t ‘di napapalaya ang mga political prisoner na dahilan ng kanilang sentimyento sa pagtungo sa Department of Justice (DOJ).
Muli nilang iginiit na palayain na ang kanilang mga kaanak na ayon sa kanila ay sinampahan lang ng mga gawa-gawang kaso para makulong.
Ayon sa grupong Karapatan sa pamumuno ni deputy secretary general Maria Sol Taule, umabot sa 697 political prisoners ang patuloy na nakakulong kahit walang malinaw na kaso.
Wala aniyang mabigat na dahilan para manatili sila sa kulungan at mangulila sa kanilang pamilya tuwing sasapit ang Kapaskuhan.
Kinondena nila ang pagdetine sa mga political prisoner, habang ang mga corrupt official at mga human rights violator ay nananatiling malaya.
“Laws like the Anti-Terror Act and the Terrorism Financing Prevention and Suppression Act have also been increasingly weaponized by the DOJ as instruments of repression against dissenters,” giit pa ng Karapatan.
(JULIET PACOT)
40
