NO BAIL SA P96.5-M INFRA ANOMALY VS DPWH OFFICIALS – OMBUDSMAN

PATUNG-PATONG na kaso ang isinampa ng Office of the Ombudsman laban sa ilang mataas na opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kaugnay ng P96.5-million infrastructure project sa Davao Occidental.

Walang inirekomendang piyansa sa criminal charges laban kina DPWH District Engineer Rodrigo C. Larete, Assistant District Engineer Michael Awa, ilang Section Chiefs, Project Engineers, at Inspectors ng DPWH Davao Occidental District Engineering Office (DEO), ayon sa Ombudsman.

Lumabas ang probable cause matapos ang masusing imbestigasyon, na nag-ugnay din sa pribadong indibidwal na sina Ma. Roma Angeline Rimando at Cezarah Rowena Discaya ng St. Timothy Construction Corporation.

Nahaharap ang mga akusado sa kasong Malversation of Public Funds through Falsification at paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act (RA 3019). Para sa kaso ng malversation, no bail ang rekomendasyon ng prosekusyon.

Bukod sa criminal charges, preventively suspended ng anim na buwan ang mga sangkot na DPWH official habang nagpapatuloy ang pagdinig sa reklamo.

(JULIET PACOT)

3

Related posts

Leave a Comment