TINIYAK ni Secretary of the Interior and Local Government Jonvic Remulla ang pag-aresto sa mga sangkot sa P100 million ghost project sa Davao City, kasunod ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Sec. Remulla, nakahanda ang DILG at Philippine National Police na arestuhin ang mga responsable sa ghost flood control project sa Culaman, Jose Abad Santos, Davao Occidental na nagkakahalaga ng P100 milyon.
Tinitiyak din ng DILG na mahigpit nang mino-monitor ang kinaroroonan ng mga taong nahaharap sa kasong Malversation through Falsification at paglabag sa Republic Act 3019 Section 3(e).
Kapag inilabas na ng korte ang warrant of arrest, agad silang dadakpin at ihaharap sa hustisya, pagtiyak ng kalihim.
“Gaya ng paalala ng Pangulo, walang makalulusot sa batas. Mananagot ang mga sangkot at matitiyak ng bayan na may hustisyang haharap sa mga gumawa ng korupsyon at katiwalian,” dagdag pa ni Remulla.
(JESSE RUIZ)
2
