MGA ARMAS NG NPA NADISKUBRE SA SIERRA MADRE

QUEZON – Nadiskubre ng mga sundalo ang isang cache ng armas na umano’y pagmamay-ari ng New People’s Army (NPA), sa bahagi ng Sierra Madre malapit sa boundary ng mga lalawigan ng Quezon at Rizal noong Linggo, Enero 18.

Ayon sa militar, nahukay ng mga ng tropa ng 80th Infantry Battalion sa ilalim ng 202nd Infantry Brigade, ang mga armas sa Barangay Tanauan, Real, Quezon matapos makatanggap ng impormasyon mula sa isang concerned citizen.

Narekober sa lugar ang isang M1 Carbine rifle, isang improvised M16 rifle, isang hand grenade, 616 na bala ng iba’t ibang kalibre, apat na shotgun slug, at ilang magazine.

Sinabi ng 2nd Infantry Division na ang operasyon ay bahagi ng kanilang intelligence-driven security operations sa nasabing lugar.

Isinailalim na sa kustodiya ng militar ang nakuhang mga armas para sa dokumentasyon at karagdagang imbestigasyon.

(NILOU DEL CARMEN)

75

Related posts

Leave a Comment