GOV’T EMPLOYEE NA NANAKIT NG KAPWA MOTORISTA, INISYUHAN NG SCO NG LTO

INISYUHAN ng Show Cause Order (SCO) ng Land Transportation Office (LTO) ang isang government employee kaugnay ng viral video kung saan makikitang nasangkot ito sa alitan at pananakit sa isang kapwa motorista.

Ayon sa LTO, iniutos ni LTO Chief Assistant Secretary Markus Lacanilao ang agarang pag-isyu ng SCO matapos makilala ang lalaking sakay ng isang red plate government vehicle, na nanakit umano ng isang tricycle driver.

Batay sa SCO, inaatasan ang nasabing empleyado at ang kinatawan ng ahensyang nagmamay-ari ng sasakyan, na humarap sa Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO sa Enero 27, 2026, ala-una ng hapon, upang magbigay ng verified comment o paliwanag.

Inoobliga silang ipaliwanag kung bakit hindi sila dapat managot sa kasong obstruction, at kung bakit hindi dapat masuspinde ang lisensya ng empleyado dahil sa hindi angkop na asal sa pampublikong kalsada.

Samantala, inilagay sa alarmed status ang sasakyang ginamit sa insidente at pansamantalang sinuspinde ang lisensya ng sangkot na empleyado sa loob ng 90-araw habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Binigyang-diin ng LTO na ang hindi pagdalo sa itinakdang pagdinig ay ituturing na pagtalikod sa karapatang marinig ang kanilang panig at ang kaso ay pagpapasyahan batay sa mga dokumentong hawak ng ahensya.

(NILOU DEL CARMEN)

49

Related posts

Leave a Comment