GOBYERNO NALAMPASAN 2025 JOB TARGETS

NALAMPASAN ng pamahalaan ang employment at poverty-reduction targets para sa 2025, kasabay ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palalimin ang reporma sa paggamit ng public funds, partikular sa flood control at climate resilience projects.

Ayon kay PCO Undersecretary Claire Castro, tinalakay ito sa 7th Economic and Development Council (EDC) meeting na pinangunahan ng Pangulo sa Malacañang.

Bumaba ang unemployment rate sa 4.7% noong 2025 mula sa mas mataas na antas noong 2020, senyales ng mas matatag na labor market.

“Ibig sabihin nito ay dumarami na ang mga kababayan nating may disenteng trabaho,” ani Castro.

Bumaba rin ang underemployment mula 16.2% patungong 13.6%, habang 2.4 milyong Pilipino ang nakaahon sa kahirapan mula 2021 hanggang 2023.

Nanindigan ang Pangulo na kailangang ayusin ang sistema ng paggastos ng pondo ng bayan upang maiwasan ang pag-uulit ng mga maanomalyang flood control projects.

Binigyang-diin din ni Marcos ang kahalagahan ng modernong teknolohiya at mas matibay na kooperasyon sa mga bansa ng ASEAN upang patatagin ang ekonomiya at regional resilience.

(CHRISTIAN DALE)

1

Related posts

Leave a Comment