DRAMA NG MGA DUTERTE SA ICC TAPOS NA – SOLON

“TAPOS na ang drama. Tuloy na ang kaso at paggulong ng hustisya”.

Ito ang may halong pagbubunying pahayag ni Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima matapos magdesisyon ang International Criminal Court (ICC) na nasa maayos na kondisyon si dating pangulong Rodrigo Duterte para lumahok sa paunang paglilitis.

Base sa mga report, itinakda na ng ICC ang pre-trial proceeding laban kay Duterte dahil sa kasong crimes against humanity sa Pebrero 23, matapos ang mahigit siyam na buwan na pagkabalam dahil sa drama umano ng kanyang kampo.

Ayon sa dating senador na ipinakulong ni Duterte dahil sa umano’y gawa-gawang kaso sa ilegal na droga, sa simula pa lamang ng kaso ay alam ng kanyang abogado na si Nicholas Kaufman na hindi nito maidepensa ang dating pangulo kaya namuhunan ito sa delaying tactics.

“He will continue to harp on Duterte’s supposed mental incapacity to stop the trial. But he can only do so much in his dilatory tactics. In the end, Duterte will still face justice and pay for his crimes,” ayon pa kay De Lima.

Magugunita na inaresto at dinala sa The Hague, Netherlands si Duterte noong Marso 11, 2025 matapos maglabas ng arrest warrant ang ICC.

Pinalabas ng kanyang abogado na si Kaufman na wala sa tamang pag-iisip para humarap sa paglilitis si Duterte kaya isinailalim ng ICC sa iba’t ibang uri ng pagsusuri ang dating pangulo.

“This ruling tells victims that in the reckoning of Duterte at the ICC, their voices will not be sidelined by technical,” ayon pa kay De Lima.

(BERNARD TAGUINOD)

1

Related posts

Leave a Comment